#YouAreLoved at #TheFeast

Natuto akong magtago. Magtago ng pinagdadaanan. Nang nararamdaman. Nang sakit. Nang galit. Nang takot. Na sa kabila ng mga ngiti, may dinadalang napakasakit na sugat galing sa nakaraan na hirap akong pakawalan.

It all started 10 years ago.

My cousin died. ‘Yung pinaka-close kong pinsan. So nag-stay kami ng kapatid ko in our aunt’s house for a few weeks until she recovered from the loss. But while she was recovering from pain, the pain in me started to build. During my stay there, I was abused by my uncle (‘yung asawa ng kapatid ni Papa).

Walang nakakaalam. Walang nakakakita. Walang nakakaramdam.

Sa tuwing lalapitan niya ‘ko, palalabasin niya lahat ng tao sa bahay na ‘yon. Kunwari may ipabibili siya. Pero kapag gusto kong sumama sa mga pinsan ko, ‘wag na raw. Maiwan na lang daw ako.

Kahit bata pa ‘ko noon, alam ko nang hindi tama ‘yung ginagawa niya. Awa ni Lord, hindi naman umabot sa point na may nagawa na talaga siya sa akin. Pero isang gabi na tabi-tabi kaming lahat natulog, no choice ako kundi sa tabi na lang niya pumuwesto. Something almost happened. Buti nakatakbo ako papunta sa CR. At doon umiyak ng umiyak.

Kinabukasan, bago pa siya makauwi galing work, tumakbo ako pauwi ng bahay. Ilang kilometro akong nagtatakbo. Takot na takot na para bang ayoko nang makita ulit ‘yung bahay na ‘yon. Nagulat si Mommy na umuwi akong mag-isa. Nung tinanong niya ako kung bakit, ang sagot ko, “Wala.” Natatakot ako na baka kung ano’ng magawa ng parents ko, especially ng father ko, ‘pag nalaman nila kung ano’ng nangyari sa akin. So I shut my mouth.

2012. Sumali ako sa isang organization for the youth. Nakilala ko si Lord. Nalaman ko kung ano ‘yung pakiramdam ng nagwo-worship. Doon, naramdaman ko ‘yung comfort ng yakap Niya. Doon ako unang nag-yes sa Kanya. Pero since malayo ‘yung biyahe, napagod din ako agad. Nawala. Nakipag-break.

A year after that, niligawan ako ulit ni Lord through choir. Sumali ako ng choir sa parish malapit sa amin. Maayos ‘yung service ko sa simula. Pero ‘di nagtagal, hindi na ‘ko ulit makabalik. Why? Because I was, again, molested inside the parish.

Hindi naman ulit umabot sa point na may nagawa siya. Pero knowing na nangyayari ‘yun sa loob pa mismo ng simbahan, kung saan akala ko safe ako. Hindi pala. It made me hate parish. It built anger, unforgiveness, hatred, and fear inside me.

Again, I remained silent lalo na sa loob ng bahay. Wala silang alam sa mga nangyari. Masakit, knowing na ‘yung mga tao mismo sa loob ng bahay namin ay hindi ako kilala. Ang alam nila, masungit at matapang lang ako. Hindi nila alam na nagpapakita ako ng lakas na wala naman talaga. Dahil sa loob ko, sobrang hina ko na kasi sobrang sakit na. Sobrang sakit kumapit mag-isa.

For years, I was at the rock bottom of my life.

2014. I started attending the Feast. Naramdaman ko ulit ‘yung yakap ni Lord. The hug that I was longing for. The song that was played that time was “Fix You” by Coldplay. Sobrang sakto sa pinagdadaanan kong sakit.

“His Light will guide me home and ignite my bone, and He will fix me.”

Totoo. Gaya ng sabi sa kanta, God fixed me.

Nine years after ng ‘di magandang nangyari sa akin, nasabi ko na rin siya kay Mommy. After nine years, nakilala rin ako ng nanay ko. After nine years, gumaan din ‘yung pakiramdam ko. After nine years, nagawa ko nang mag-let go, magpatawad nang buo, at magmahal ng mga tao sa paligid ko nang walang halong sakit at takot.

Pinatawad ko na ‘yung mga taong nakasakit sa akin. But I learned from the Feast that forgiving doesn’t mean forgetting, so I distanced myself from them.

I learned to thank God sa nangyari, because I know na there is a reason behind it. God planned to use my brokenness to inspire, strengthen, and heal others. And by giving me the courage to share my story, God has started carrying out this plan.

Categories

  • An error has occurred, which probably means the feed is down. Try again later.